Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Galunggong importation pag-aralan muna – ACT CIS

0 163

Dapat pag-aralan muna ng Department of Agriculture (DA) ang planong pag-aangkat ng galunggong dahil maraming mangingisda ang maaapektuhan.

Ayon kay ACT CIS Nominee Edvic Yap, bagamat may kakulangan ng galunggong dahil kay bagyong Odette last month at ang umiiral na “fishing ban” ngayon”.

Sinabi ni Yap, dapat timbangin ng DA kung ano ang mas mahalaga…ang kabuhayan ng mga fisherman natin o ang mga konsyumer na galunggong lang ang kayang bilihin.

Ayon kay Yap, maiintindihan naman ng mga konsyumer kung hindi tayo mag-iimport alang-alang sa mga mangingisda natin.

Ani Yap, marami pa rin isda na kayang bilihin ng mga kababayan natin tulad ng tilapia, bangus, at iba pang uri ng isda.

Nitong mga nakalipas na araw ay biglang sumirit ang presyo ng galunggong mula sa ₱80 ang kilo ay ngayon ay halos ₱200 na sa ilang palengke dahil sa kakulangan ng supply.

Leave A Reply

Your email address will not be published.