Una sa Balita

Galunggong fishing ban sa Palawan simula na

By
0 475

NAGSIMULA na kahapon ang ­tatlong buwang ban sa pangingisda ng ­galunggong sa Northeastern ­Palawan.

Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Mimaropa Assistant Regional Director Robert Abrera, tatagal ang ban hanggang Enero 31, 2019.

“This fisheries management ­measure is being implemented again for the fourth time to protect the ­galunggong during its peak spawning ­season,” paliwanag ni Abrera.

Sinabi ni Abrera na sa tatlong ­taong pagpapatupad ng BFAR ng fishing ban ay malaki na ang ikinaganda ng huli ng mga mangingisda.

Sa katunayan umano ay umaapaw ang galunggong at sa dami ay nakakarating na sa Ulugan Bay sa Puerto Prinsesa.

Ang malalaking isda gaya ng yellow fin tuna at blue marlin na kumakain ng galunggong ay nagsisimula na din umanong bumalik sa Mindoro Strait.

Sinabi ni Myrna Candelario, ­re­­gional coordinator ng National Stock Assessment Program (NSAP), na Nobyembre hanggang Enero ang peak spawning season ng galunggong kaya habang umiiral ang closed fishing season ay lalo ang pagdami ng isda.

Dumami na rin umano huli ng galunggong simula 2015 hanggang 2017.
Isinusulong naman ng BFAR na sa loob ng susunod na 10 taon ay ipatupad ang closed fishing season upang tiyakin ang repopulation ng ­galunggong.

Habang walang trabaho ang mga mangingisda dahil sa pinaiiral na ban ay binibigyan ang mga ito ng DTI, DOLE at DSWD ng tulong sa ilalim ng programa ni Pangulong Rodrigo Duterte na Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso (P3) kabilang na dito ang pagpapahiram ng kapital na aabot ng hanggang P15,000.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy