Una sa Balita

Galman palaban, Junior Altas astig

0 423

NAG-APOY sa final period si Emman ‘The Assassin’ Galman, kumamada ng 12 sa kanyang 23 total points para pangunahan ang Perpetual Junior Altas sa ikalawang dikit na panalo sa NCAA Season 95 Juniors Basketball Tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Itinaob ng mga manlalaro ni team owner Tony Tamyo ang mga taga-Greenhills sa iskor na 81-59.

Humablot ng 10 rebounds si Jearico Nuñez, kasama ang 3 puntos upang dominahin ang board na may kabuuang 56 sa Junior Altas kumpara sa 44 lamang ng Greenhills-based squad.

“Maganda ang pinakita ng mga bata para talunin ang dalawang malakas na team, magiging morale booster nila ito para sa mga susunod na laban naming,” sabi ni coach Micheal Saguiguit.

Samantala, angat ang CSB Bla­zers sa Perpetual Altas 75-63 sa seniors division para sa ikalawang sunod na panalo habang laglag sa 1-1 ang Perpetual.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy