Una sa Balita

Gallinari ginarahe ang Warriors

0 431

PINAGPIYESTAHAN ng Oklahoma City Thunder ang Golden State Warriors 114-108 Sabado ng gabi sa 74th NBA 2019-2020 regular season game sa ­Chesapeake Energy Arena sa Oklahoma.

Umiskor ng 19 si Danilo Gallinari, nagdagdag ng 18 si Dennis Schroder sa Thunder. May 16 points at 9 assists si Chris Paul, 13 points kay Steven ­Adams at 12 pa mula kay Shai Gilgeous-Alexander sa ­ikalawang panalo ng OKC kontra Golden State ngayong season.

Iginapang ng 17 points sa third quarter ni D’Angelo Russell pabalik ang Warriors, huli niya sa period ang 3-pointer sa buzzer para ibuhol sa 84 ­papasok ng fourth. Tumapos ng 30 si Russell, noong isang gabi lang ay nagsumite ng 52 kontra ­Minnesota.

Sumuporta ng 23 points si Alec Burks sa Golden State, may 18 si Glenn Robinson III.

Related Posts

Inagaw ng Warriors ang unahan 88-86 sa ­jumper ni Willie Cauley-Stein sa kaagahan ng fourth, ­nagkasa ng 9-0 run ang Thunder apat dito mula kay Paul para bawiin ang manibela at hindi na bumitaw.

Dumistansiya ng 14 ang Oklahoma City sa ­jumper ni Hamidou Diallo 5 minutes pa.

Huling idinikit ng Warriors sa 112-108 pero ‘di na nakalapit sa final 17.7 seconds.

Nakaahon ang Golden State mula 23 down sa se­cond quarter dahil sa 17 for 17 shooting mula sa stripe – anim mula kay Russell at lima kay Burks.
Namigay ng 30 assists sa 43 made baskets ang Thunder, sa suwabeng ball movement at saktong screens ay nakawala ang shooters. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy