Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Galit na galit mga fan: Karla traydor, umanib sa nagpasara sa ABS-CBN

0 775

Galit na galit ang mga Kapamilya fan kay Karla Estrada. Ang rason, tumakbo nga raw ito sa party-list na, na sabi-sabing isa sa mga nagpasara sa ABS-CBN.

“Just want to let all of you know that yung party-list na kinabibilangan ni Tita Karla ay isa sa mga nag-yes para mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN. Wag po sana tayong makalimot!” sabi ni @fOrdozen.

Makikita nga na si Yedda Marie Romualdez na representative ng Tingog Sinirangan, at isa nga siya sa mga nag-yes na ipasara ang Dos.

“We are not in favor with the partylist that you chose that obviously said yes to ABS-CBN shutdown. Withdraw now,” paalala ni @supreimokath.

“Sina Kathryn, Daniel ang babalikan niyan,” sabi ni chloe.

“This isn’t your arena. How can you fathom being with someone who voted against the franchise of your network, and supports dictatorship and plunder?” hirit ng KathNiel_dump.
Kaloka, ha! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.