Una sa Balita

Galit kay Willie Ariella tsinugi sa Wowowin!

By
0 5,771

Sinagot ng former Miss Philippines Universe Ariella Arida kung bakit bigla siyang nawala bilang co-host ni Willie Revillame sa game show na Wowowin. Inamin ni Ariella na nami-miss niya ang show, pero tanggap na raw niya ang pagkawala niya sa show.

“Dumarating talaga sa ganun eh. Nami-miss ko na rin ‘yung show.

“Hindi naman masama ang loob ko. Naiintindihan ko ang lahat ng nangyayari.

Abante Hiring – IT dep

“Malay mo one day, makita n’yo uli ako sa show na ‘yun.

Abante Hiring – IT dep

“Pero sa ngayon, bakasyon muna. No hard feelings sa kanila. Sobrang thankful talaga ako,” sey ni Ariella.

Hindi lang kasi si Ariella ang tinanggal bilang co-host ng Wowowin. Kasama ring nawala sina Janelle ‘Kim Chi’ Tee, Super Tekla, Donita Nose, Ashley Ortega, Yvette Corral, at Amal Rosaro.

Samantala, nagbigay naman ng advice si Ariella sa bagong batch ng Bb. Pilipinas ngayong 2018. Ramdam ni Ariella ang kaba ng bawat candidate.

“Dapat enjoy lang nila. ‘Pag nasa stage sila, do their best. ‘Pag nasa stage, dapat nasa fighting form ka na. And at the same time, alam ng mga tao na you’re having fun,” say pa ni Ariella.