Una sa Balita

Galingan nyo pa–Mocha

By
0 10

Walang naramdamang kaba, bagkus ay naghamon pa ang dating entertainer at ngayon ay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson matapos siyang kasuhan ng libel ni Sen. Antonio Trillanes IV sa Ombudsman kahapon.

“Congratulations sir at pinatunayan niyo na kayo ay may b***g kayo. Antayin ko ‘yang kaso niyo. Pakibilisan lang po Senator Trillanes, huwag kang puro pa-presscon. Salamat po,” komento ni Uson sa ABS-CBN.

Nasa New York, USA si Uson kasama ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na dumalo sa United Nations (UN) General Assembly.

Nitong Biyernes, kasong libel, graft at ethics violation ang isinampa ni Trillanes laban sa kontrobersyal na opisyal ng PCOO matapos itong mag-akusa na may itinatagong offshore account ang senador.