Una sa Balita

Galing Spain! Bongbong nagkasakit, nagpa-COVID test

0 540

Sumailalim si dating senator Bongbong Marcos sa COVID test matapos sumama ang pakiramdam mula sa kanyang biyahe sa Spain, ayon sa kapatid nitong si Senadora Imee Marcos

“He came back from Spain unwell. Finally got a test two nights ago, getting better at home,” pahayag ni Marcos sa kanyang mensahe sa mga reporter.

“Wala pang result,” dagdag pa nito kasabay ng pagsasabing, “Nasa bahay gumagaling, kumakain”.

Pero maayos naman ang kanyang kalusugan gayundin ang kanilang 90-anyos na inang si dating First Lady Imelda Marcos.

“Mon and I ok,” sambit pa ng senadora.

Ang Spain ang isa sa may pinakamalaking bilang ng kaso ng coronavirus disease sa Europe kung saan higit sa 40,000 ang dinapuan at higit 3,000 na ang namatay.

Nauna rito ay kumalat ang report na intubated si Bongbong sa isang ospital sa Taguig dahil sa pneumonia matapos mag-leak umano ang diagnosis sa kanya. (Dindo Matining)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More