Una sa Balita

Galing ni Bato, susubukan ni Lacson

By
0 174

Matapos ang hamon ni Senator Panfilo Lacson na gagawa siya ng paraan para makapagpasok ng cellphone sa New Bilibid Prisons (NBP), inalerto agad ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa ang mga tauhan ng Special Action Force (SAF) na nakatalaga sa nasabing bilangguan sa Muntinlupa City.

Ayon kay Dela Rosa, hindi ito natatakot sa ha­mon ng senador dahil nakatitiyak siyang nakaalerto at mahigpit ang ipina­tutupad na pagbabantay at seguridad sa NBP.

Una nang hinamon ni Lacson na gagawa siya ng paraan para makapagpuslit papasok ng cellphone sa Bilibid para lamang masubok kung talagang cellphone-free na o hindi na nakapapasok pa sa bilangguan ang anumang communication gadget dahil sa higpit ng SAF.

“Mahigpit pong ­bilin sa kanila na dapat hindi ma­ging kampante ang SAF sa NBP at huwag magpa-relax lang,” wika ng chief PNP.

Aminado naman si Dela Rosa na ­sadyang magaling si Senator ­Lacson at hindi na siya magugulat o magtataka kung malusutan nga sila nito at makapagpasok ng cellphone sa Bilibid kung sakali.

Dahil dito, pinayuhan nito ang SAF na seryosohin ang pagbabantay sa Bilibid upang masigurong hindi na makagagawa pa ng anumang transaksyon ang mga druglord sa Bilibid gamit ang cellphones at internet.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More