Una sa Balita

Gale warning nakataas sa Batanes

By
0 39

Nakataas ang gale warning o babala ng pagtaas ng alon sa Northern Seabord ng Northern Luzon partikular sa baybayin ng Batanes.

Base sa gale warning #2 ng Phi­lippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang paglaki ng alon ay sanhi ng malakas na gale force winds na pag-iibayuhin ng umiiral na Northeast Monsoon o hanging Amihan.

Inaasahan ang pagtaas ng alon na aabot sa 3.4 hanggang 4.5 meters at papalo ang lakas ng hangin sa 52-63 kilometer per hour.

Inabisuhan ang mga maliliit na sasakyang pandagat na iwasan munang pumalaot dahil sasabayan ng kalat-kalat na pag-ulan ang gale force.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy