Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Galaw galaw din! Tama na sa resiliency, pamumulitika – Vilma Santos

0 318

“Tama na muna ang pulitika.”

Panawagan ito ni Batangas Congresswoman Vilma Santos-Recto parehong para sa gobyernong Duterte at para sa mga Pilipino sa gitna ng kasalukuyang sitwasyon ng bansa.

Punto ng mambabatas, very challenging ang kasalukuyang taon para sa lahat.

Sa kaso aniya nila sa Batangas, simula Enero ay kumaharap na sila sa mga sakuna: mula sa pagputok ng Bulkang Taal at lockdown dulot ng COVID-19 pandemic hanggang sa mga mapinsalang bagyo at lindol.

Kaya naman, hiling niya sa pamahalaan at sa mga mamamayan na kumilos at ituon ang pansin sa pagtulong sa mga biktima ng mga nagdaang kalamidad.

“Naniniwala po ako sa sinasabi rin ng iba na it’s not just resiliency ang dapat nating pag-usapan ngayon… Hindi pwedeng, yeah, maniwala po tayo na tomorrow is another day, kailangan tatanggapin natin kung ano ‘yung nangyayari. Pero hindi po. Kailangan gumagalaw din po tayo, nag-iisip tayo, nakikipagtulungan tayo. Kapit-bisig tayong lahat!,” sabi ni Santos-Recto sa programang “Balitaan at Kamustahan” ng Politiko.

“Masyadong nadidinig ko rin po, sobra ang pulitika ngayon. Diyos ko, 2022 pa! Pwede ho bang magtulungan muna tayo? 2020 po is a very challenging year for all of us. Sobra-sobra na po ang problemang dumarating sa atin. Panalangin ko po, sana matapos na ito. Panginoon, sobra na po.”

“Pero ang sikreto lamang dito: tama na muna ang pulitika. Kung ano ang maiaambag ng bawat isa para makasuporta at makatulong sa pinakanangangailangan, iyon ang gawin nating prayoridad ngayon,” bigkas niya pa, Nobyembre 24. (SDC)

https://www.facebook.com/politics.com.ph/videos/1089912111468235/?v=1089912111468235

Leave A Reply

Your email address will not be published.