Una sa Balita

Galanza tama ang pasyang ‘di muna mag-nat’l team

0 493

PARA kay Jessica Margarett ‘Jema’ Galanza, isang tamang desisyon ang pinili niyang makapaglaro sa ­Creamline kaysa sa national indoor women’s ­volleyball team.

“Siguro magandang decision ‘yun para sa akin kasi may nangyari du’n sa decision ko,” pahayag ng 22-year-old, 5-foot-7 outside hitter na hinirang na MVP sa 3rd PVL Open Conference ­tapos rendahan ang Creamline sa korona ng ­season-ending tournament. “‘Di lang para sa akin kundi para sa team kasi ‘yun nga nag-cham­pion kami.”

Giit niya, iniwas niya muna ang sarili niya sa mga posibleng ‘hassle’ kung pagsasabayin niya ang laro sa Cool Smashers sa PVL at sa PH 6 na nagha­handa sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa ­bansa sa parating na Nobyembre 30-­Disyembre 11.

“Marami na kasing nangyari and ­magulo na masyado kaya ­parang ­ayoko ng makadagdag pa. So ­pinadali ko ­nalang din ‘yung iniisip ng ­management, nila ate Ly [Alyssa Valdez], nung team so nag-stay ako sa Creamline,” hirit ng volleybelle na ­tubong San Pedro City.

Pero kung pagbibigyan aniya ­siyang muli ng pagkakatong ­mapabilang sa national squad ay handa naman ­niyang tanngapinat titiyakin niyang pag-iigihan para masulit ang talento niya.

“Well lahat naman siyempre pinapa­ngarap na makapaglaro sa national team pero sa ngayon siguro ‘di pa para sa akin talaga ‘yung time na ‘yun. Siguro kaya ‘di para sa akin [makasama sa line-up] kasi ‘di pa ako ­deserving para roon,” panapos ni Jema. “So pagtitiyagaan ko and pagsisikapan ko na gumaling pa ako para makapasok ako doon.” (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy