Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Galamay ng MILF timbog sa buy-bust

0 110

Muling nakulong ang isang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na dinakip sa isinagawang buy-bust operation sa Bansalan, Davao del Sur nitong Miyerkoles.

Kinilala ang suspek na si Jalil Mando, alyas ‘Tol’.

Nangyari ang buy-bust sa Ramon Delos Cientos sa Barangay Poblacion 2 ng nasabing bayan. Nakuha mula kay Tol ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P65,000, buy-bust money, at cellphone.

SM food to go Banner Ad

Dati nang nahuli ang suspek sa kasong pagbebenta ng iligal na droga, nakalaya noong 2014, pero hindi pa rin daw tumigil sa iligal na gawain.

Ang naturang aktibong MILF member ay kabilang sa Top 10 sa drug watch list ng Davao Region.

Ito ang rason kaya ikinasa ng Regional Special Operations Group XI, Bansalan Municipal Police Station, at Buhangin Police Station ang nasabing buy-bust.

Leave A Reply

Your email address will not be published.