Una sa Balita

Galamay ng Akyat-bahay huli sa akto!

By
0 264

NALAMBAT ng mga nag­­­papatrulyang pulis­ ang isang papatakas na sanang miyembro ng Akyat-bahay Gang matapos manloob sa bahay ng isang negosyante at mabuking ang ginagawang pagnanakaw, ka­­makalawa nang umaga sa San Juan City.

Batay sa report na isinumite ni San Juan Police chief, S/Supt. Dindo Reyes kay Eastern Police District (EPD) Director S/Supt. Bernabe Balba, nakilala ang suspek na si Stephen Stoc y Didal, 27-anyos at residente ng Calderon St., Brgy. Little Baguio, San Juan City .

Nagsasagawa ng ro­ving sina PO2 Luigi Rey Tejada at PO1 Albert Oamil ng PCP nang ma­kita ang suspek na papalabas ng bahay ng biktimang negosyante na si Charles Joseph Gil, 47-anyos ng 183 Pilar St., Brgy. Addition Hills, at marinig ang si­gaw na humihingi ng tulong mula sa biktima bandang alas-siyete kamakalawa nang umaga.

Ayon sa report, umak­yat ang suspek sa gate at dumaan sa bintana na kung saan ay unang nakita ang cellphone ng biktima.

Nagising umano ang biktima para mag-ayos ng almusal nang makita ang suspek kaya agad na itong nagsisigaw ng tulong hanggang makalabas ang suspek na aktong agad nahuli ng nag-iikot na pulis.

Nakuha mula sa suspek ang cellphone at isang 9.5 inches long knife.

Nabatid na kasama ang suspek sa serye ng nakawan na nagaganap sa nasabing barangay at sa jeepney robberies na nambibiktima ng mga pasahero.

Kasalukuyang naka­kulong ang suspek sa San Juan Police detention cell habang hinihintay ang pagsasampa ng kasong robbery at illegal possession of deadly weapon.