Una sa Balita

Galamay ng akyat bahay dedbol sa engkuwentro

0 199

PATAY ang isang 18-anyos na notoryus Akyat bahay at Salisi gang member ­matapos makipagbarilan sa mga nagrespondeng Marikina Police sa ikinasang follow up operation matapos mabisto ang tangkang pagnanakaw sa isang ­bahay sa Barangay Malanday, kahapon ng madaling araw.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director PBGen. Johnson Almazan, nakilala ang suspek na si Jambeel Dasmariñas y Soriano, alyas Mak mak.

Ayon kay Marikina Police SSOU chief PCpt. Jervies Soriano sa ilalim ng ­superbisyon ni PCol. Restituto Arcangel, hepe ng Marikina Police, naaresto ang suspek bandang alas-3:10 Linggo ng madaling araw sa creekside, Libis ­Bulelak St., corner Narra St., Barangay Malanday, Marikina City.

Nauna rito ay isang tawag ang tinanggap ng Marikina City Police Station Tactical Operation Center sa umano’y kahina-hinalang kilos ng suspek .

Agad na rumesponde sina PCpt. Jervies Soriano at sinita ang suspek na ­tumakbo at nagpaputok ng baril at doon na nagkaroon ng shoot out na ­ikinasawi ng suspek na nakuhanan ng isang .38 revolver.

(Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy