Una sa Balita

Gagayahin ang JaDine: Maraño makikipag-break din

0 443

BALAK ni F2 Logistics Cargo Movers middle hitter Aby Maraño na gayahin ang break-up ng mga celebrity na sina James Reid at Nadine Lustre, mas kilala bilang JaDine.

Makikipag-break na rin ang balibolista.

Pero hindi sa nobyong si NorthPort Batang Pier guard Robert Bolick, kundi sa mga pagkaing humaharang sa kanyang pagda-diet.

“Nakakabaliw mag diet ha bubuset na ako. Basta makakita lang ako ng Hello, Fudgee Barr, Lemon square cheese cake… wala na finish na. LOL” tweet ni Maraño.

“Jke. Kaya ko ‘yan. JADINE nga nagbreak eh, makikipagbreak din ako dito sa mga pagkaing to. Buset!” (JAT)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More