Una sa Balita

Gagawin ang lahat para sa hustisya kay Atio

0 17

“Death should never the price to be paid for brotherhood and acceptance!”

Iyan po ang aking initial reaction nu’ng ako ay tanungin ko ano ang masasabi ko sa pagkamatay ni Horacio ‘Atio’ Castillo III na isang freshman law student ng University of Santo Tomas (UST) College of Law.

Batay sa mga initial report, si Atio ay neophyte ng Aegis Juris Fraternity na isang fraternity sa UST College of Law.

Abante Hiring – IT dep

Dahil po gusto nating matulungan ang pamilya Castillo na makamit ang hustisya para sa kanilang anak, noon pong September 20, 2017 tayo ay naglabas agad ng isang Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban sa 16 persons of interest na ibinigay ng mga police investigators sa ating DOJ Usec. Erick­son H. Balmes noong gabi ng September 19, 2017.

Si Usec. Balmes ay dumalaw sa burol ni Atio bilang aking kinatawan upang makiramay at mag-alok ng tulong ng DOJ sa pamilya Castillo.

Tayo po ay nag-order din ng proteksyon ng Witness Protection Program (WPP) sa sinumang may alam na mga impormasyon sa nangyari kay Atio.

Nag-launch din po tayo ng DOJ HORATIO HOTLINE, 0995 442 9241.

Related Posts

Ito po ang patuloy kong panawagan sa lahat patungkol sa bagay na ito, “To those who know anything about what happened to Horacio Castillo III, if you were there when it happened, then YOU HAVE BLOOD ON YOUR HANDS, TIME TO WASH IT WITH THE TRUTH AND WITH JUSTICE for Atio. Hiding will not do you any good. DO NO INJUSTICE, SUFFER NO INJUSTICE”.

Ako po ay personal ding dumalaw sa burol ni Atio para iparating ang aking pakikiramay sa kaniyang pamilya at ang pangako ng pagtulong para sa katarungan sa kanilang anak.

Noong nakaraang October 4, 2017, sinamahan ko po ang magulang ni Atio sa Malacañang upang makaharap ang ating mahal na Pangulong Duterte.

Ako po ang nag-arrange ng meeting na ito ayon na rin sa hiling ng Castillo family.

Sa usapang ito po, ipinaabot ng Pangulo ang kaniyang pagdamay sa Castillo family at ang utos sa akin na gawin ang lahat para makamit ang hustisya para kay Atio.

Tuluy-tuloy po ang ating pagsisikap na maparusahan ang mga dapat managot sa kasong ito.

VIT-VIT natin sila sa ngalan ng Hustisya!