Una sa Balita

Gagastusin sa BBL isapubliko – Recto

By
0 2,012
Hinikayat ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang gobyerno na isapubliko ang pondong gugugulin sa pagsasabatas at implementasyon ng Bangsamoro Basic Law (BBL). 
 
“We are all for financing peace. Ako, mas gusto ko ang costly peace than a cheap war. But the nation must be told how heavy the burden on the taxpayers will be. Ilang bilyong piso ba? At hanggang kailan?” saad ni Recto.
 
Aminado si Recto na hindi naman mahirap pagbigyan ang hiling ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte na tiyaking naaayon sa Saligang Batas ang ipapasang BBL subalit dapat ding ikonsidera kung saan magmumula ang pondong gagamitin sa implementasyon ng batas.
 
“Tulad ng TRAIN Package One. P90 billion ang net proceeds annually, but on the same week Congress passed it, it also approved the pay hike for our soldiers, which costs P62 billion a year. Kaya pang payroll lang talaga ‘yun, hindi pang-Build, Build, Build,” giit ni Recto.
 
“Lahat ng mga ito, for first year lang. Ika nga, start up cost lang, na ipagpapatuloy sa susunod na mga taon. Itong new BBL version na ito, magkano kaya ang gastos?” pahayag ni Recto.