Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Gaganti ako!’ Ivana tinawag na mandurugas ina, kapatid

0 94

Lokang-loka si Ivana Alawi sa naranasan niya sa kapatid niyang si Hash, kasabwat pa ang nanay niya.

Sa bago ngang vlog ni Ivana, ang ‘Whos’ Gonna Pay Challenge! Nakaka-sad!’ ay nagkabugan nga sila ni Hash sa kung sino ang magbabayad ng mga pinamili, kinain nila.

May dala silang box na naglalaman ng mga pangalan nila. At kapag nag-shopping sila, o kumain sila, bubunutin ng cashier ang name ng taong magbabayad.

At `yun na, shopping dito, shopping doon, kain dito, kain doon. At base sa thumbnail ng vlog ni Ivana, umabot yata sa halos kalahating milyon ang nagastos.

Kasi nga, ang daming damit, at may mga alahas, diamante pa silang binili, kaya ganun kalaki. At ang lunch lang yata nila ay kulang-kulang sa P10K rin, ha!

So, lokang-loka si Ivana na lahat ay siya ang nabunot. Siya ang nagbayad. Puwera lang sa drinks na inorder nila na wala pa yatang P400 na si Hash ang nagbayad.

At `yun na nga, hanggang sa nakauwi na ng bahay ang mga Alawi. At inamin ni Hash na may kababalaghan siyang ginawa.

Na bago pala sila umalis, tinanggal niya lahat ng pangalan niya sa box, kaya puro si Ivana ang nabubunot para magbayad. Pinakita ang video kung paano ginawa `yon ni Hash, at aprubado naman ito ng kanyang ina.

Pero, noong ni-reveal na nila ang pandaraya na ginawa niya, sinabi niya na willing naman siyang bayaran lahat `yon, pero installment o hulugan daw.

“I’ll pay for it, kasi hulugan, 3 gives,” sabi ni Hash.

“Mandurugas kayo! Grabe kayo sa ginawa niyo sa akin! Ang sama niyo!

“Tatandaan ko `yan. Gaganti ako sa inyo!” pagbabanta ni Ivana na patawa-tawa.

“Ang daya niyong lahat! Ayoko na kayo kalaro! Lahat kayo niloko niyo ako! Ako nag-isip ng vlog, binaboy niyo!

“Wala na akong tiwala sa inyo!” sunud-sunod na litaniya ni Ivana na patawa-tawa rin naman.

“Pag ako nag-prank sa inyo, sisiguraduhin ko na iiyak kayo! Babawian ko kayo! Ginawa niyo akong tanga! Wala palang loyal sa pamilya natin!” sabi pa ni Ivana.

Siyempre, panalo na naman ito sa mga fan, dahil sa loob lang ng 12 oras, isang milyon na agad ang view, ha!

Bongga! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.