Una sa Balita

Gadon: Kaya kong bumili ng tiket papuntang Russia

0 601

Binalikan ni Atty. Larry Gadon ang mga kritiko matapos lumabas ang mga ulat na kasama ito sa junket sa biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia.

Sinabi ni Gadon na may pera siyang pambili ng tiket at bayad sa tinutuluyan nitong hotel sa Moscow at hindi ito inilibre ng gobyerno.

Hindi aniya siya taga-gobyerno kaya puwede siyang magpunta kahit saan.
“Ako ay nagpunta dito sa Russia sa pamamagitan ng aking sari­ling pagbili ng tiket at pagbayad ng hotel. Ka­yang-kaya kong bumili ng tiket pa­puntang Russia at ka­yang-kaya kong magba­yad ng hotel, mga bobo kayo, inggit kayo diyan!” ani Gadon.

Binigyang-diin pa ng abogado na hindi ugali ni Pangulong Duterte na gumastos ng taxpa­yer’s money para sa mga kaibigan nito.

“Hindi ugali ni Pre­sident Duterte na magwaldas ng pera ng ba­yan dahil lang sa mga kaibi­gan,” dagdag pa ni Gadon.

Ipinaliwanag ni Gadon na kasama siya sa business group na gustong mapaigting ang trade relations sa Russia na inumpisahan ng Presidente kaya sinusuporta­han nila ito.

“Sinasabayan lang namin kung ano ang gustong mangyari ng Presidente. At kami naman ay nasa business sector naman kami, ‘di siyempre we are taking advantage of the goodwill that our President is doing.

Tatlumpung taong mahigit na akong abogado, kung ano-anong kompanya na ang na­hawakan ko, kung ano-anong mga position sa private sector ano, ka­yang-kaya kong bumili ng tiket papuntang Russia,” wika pa ni Gadon.

Nauna rito, pinuna ng mga kritiko ang Russia trip ng Pangulo dahil marami umano ang “sabit”, gaya ng mga artista at kaibigan ng Presidente na sa tingin ng publiko ay wala namang kinalaman sa official visit nito. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy