Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gabriela vs heneral sa Senado

0 227

Naghain si Senador Panfilo `Ping’ Lacson ng isang resolusyon para imbestigahan ang diumano’y red-tagging na aktibidad ng ilang opisyal ng militar.

“I filed a resolution to look into all these issues involving the military and also those at the receiving end nung mga red-tagging na sinasabi,” pahayag ni Lacson sa online interview ng mga reporter.

Sa oras na mai-refer ang resolusyon sa kanyang komite, sinabi ni Lacson na agad nito itatakda ang pagdinig kung saan ipatatawag niya si Armed Forces of the Philippines (AFP) Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. at iba pang opisyal ng militar.

Matatandaan na pinutakti ng batikos si Parlade dahil sa naging pahayag nito kina Liza Soberano at 2018 Miss Universe Catriona Gray na sinabihang mag-ingat sa mga grupong katulad ng Gabriela.

Sa kanyang Facebook post, iniugnay din ni Parlade ang kapatid ng aktres na si Angel Locsin sa New People’s Army (NPA) at ang pamangking human rights lawyer na si Neri Colmenares.

“We will also invite Gabriela and other militant groups para maliwanagan natin saan ba nag-uugat `yong mga misunderstanding at saka `yong conflict pagdating sa red-tagging, red-baiting, etcetera,” sabi ni Lacson.

Bukod kina Soberano at Locsin, pinuna rin ni Parlade si Manila Mayor Isko Moreno matapos na ipatanggal nito ang mga anti-NPA tarpaulin na ikinabit sa lungsod. (Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.