Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gabineteng bipolar terror sa opisina

0 134

Sino raw itong miyembro ng gabinete na hate na hate raw ng maraming staff ng kanyang tanggapan?

Ayon sa nasagap na tsika ni Mang Teban, usap-usapan daw ng mga “Marites” na bipolar ang kanilang bos¬sing kaya hate na hate siya ng marami roon. Bipolar din umano ang misis kaya hindi nila mawari kung maaawa ba sila rito o hindi dahil kakaiba talaga ang ugali ni bossing.

Hindi tulad ng ibang miyembro ng gabinete na lantarang brusko kaya wagas kung mambully, ito namang cabinet member ay parang hindi makabasag pinggan kapag nasa publiko pero sa kapag nasa opisina ay pabago-bago ng mood kaya takot ang mga staff.

Mukhang totoy lang itong cabinet member kumpara sa karamihan sa gabinete na mga amoy lupa na. Pero tulad nga ng kasabihang “don’t judge a book by it’s cover” dahil “looks are deceiving” ika nga. Malalaman mo lang ang kulo sa loob ng opisyal kapag nakahabilo na ito at paandaran ka ng pagiging spoiled brat nito.

Isang beses, nagwalk out ito sa isang virtual press conference ng Malacañang matapos lantarang pinaha¬yag ng isa pang opisyal ang pagkabighani sa kanya. Hindi mo naman siya masisisi dahil kahit naman sinong pagnasaan ng dating Malacañang official na ito sa gabinete ay ganoon din ang magiging reaksiyon.

Pintahan n’yo na. Ang cabinet member na sinasabing bipolar ay may letrang A sa apelyido.

Leave A Reply

Your email address will not be published.