Una sa Balita

Gabinete ni Digong na-lost in Vietnam

By
0 3

Isa marahil sa most unforgettable foreign trip ng isang government official ay ang paglapag nito sa Vietnam.

Nakalimutan kasi ng opisyal ang daan pabalik sa hotel na kanyang tinutuluyan.

Nabatid na may dinaluhang pagtitipon ang opisyal kasama ang iba pang delegado ng gobyerno na dumalo sa isang event sa nasabing bansa.

Sinasabing naligaw dahil daldal ng daldal habang naglalakad ang naturang government official.

Paglingon nito ay wala na siyang kasama at pagbulaga ng daanan ay nasa highway na.

Medyo dyahe dahil naka-Louis Vuitton pa naman at pawis na pawis sa kalalakad kaya ang siste pumuntang sariwa pagbalik ay bilasa na ang opisyal.

Kilala ang opisyal na magarang pumorma.

May letrang ‘n’ ang pangalan nito as in ‘naligaw.’