Una sa Balita

GABBY, WAGI NG ASIAN STAR PRIZE SA KOREA!

By
0 7
park-bo-young-gabby-concepcion
PARK BO YOUNG AT GABBY SA SEOUL KOREA

Personal na natanggap ni Gabby Concepcion ang kanyang trophy sa ­ginanap na Seoul International Drama Awards 2017 sa Seoul, Korea.

Si Gabby ang nanalong Asian Star Prize para sa kanyang pagganap sa number one daytime drama series na Ika-6 Na Utos bilang si Rome.

Bukod sa naglakad sa red carpet, nakadaupang-palad ang mga kilalang ­artista rin mula sa ibang Asian countries katulad ng Japan, Malaysia at Korea siyempre, in-interview rin si Gabby sa ginanap na awards night.

Bukod kay Gabby, ang isa pang super-saya ay ang manager niya na si Popoy Caritativo na siyang kasama ni Gabby sa Seoul.

Paano naman, back-to-back win ang mga alaga niya sa Seoul International Drama Awards for Asian Star Prize dahil last year, si Dennis Trillo naman ang nanalo sa naturang kategorya para sa My Faithful Husband.

PPL LIVE NGAYONG UMAGA! 

Ngayong araw na ito, September 9 ang saktong ikawalong anibersaryo ng PPL Entertainment, Inc.

Ang PPL Entertainment Inc., ang talent management ng manager na si Perry Lansigan at ilan sa mga artistang hawak ng PPL ay sa pangunguna ni Dingdong Dantes.

Kasama ni Dingdong na mga original talents ni Perry ay sina Gabby Eigenmann at Geoff Eigenmann.

Under PPL din sina Jolina Magdangal, Angelika dela Cruz, LJ Reyes, Rochelle Pangilinan, Max ­Collins, Arthur Solinap, Mika dela Cruz, Wendell Ramos, Carlo Gonzales, Jaclyn Jose, Gina Alajar, Sunshine Cruz at iba pa.

Mga singers na sina Migz Haleco, Maya, Dea Formileza at Agsunta Band. Under PPL na rin si Ejay Falcon.

At dahil ikawalong anibersaryo na nga ng PPL,  naisipan ni Perry na mas makilala pa, lalo na ng mga tagahanga ng PPL artists ang mga ito sa pamama­gitan ng PPL Live.

Simula nga ngayong araw na ito, sa ika-10 ng umaga, puwedeng-puwede ng makausap, maka-jam ang mga PPL artists. Mag-log-in lang sa PPL Entertainment Inc. Facebook account.