Una sa Balita

Gabby tinanggihang maka-partner ng Kapuso actress

0 2,190

Una ko nang naisulat rito na isang prime star ng GMA 7 ang susunod na makakatambal ni Gabby Concepcion sa bagong niyang serye.

Si Marian Rivera ang tinutukoy namin. Pero for some reasons ay hindi ito natuloy hanggang sa nabuntis na nga sa pangalawang pagkakataon ang asawa ni Dingdong Dantes na tinaguriang Primetime Queen ng Siyete.

Pangalawang nabalitaan ko ay si Megan Young na ang magiging leading lady ni Gabo. Tulad nu’ng kay Marian, naunsyami rin ito sa ‘di ko alam ang dahilan.

At ngayon nga ay final na na si Jennylyn Mercado na ang makakapareha ni Gabby. Nakapag-story conference na rin sila recently.

Pero bago pa pala mauwi sa Ultimate Star na si Jen ang korona ay may pangatlo pa raw na Kapuso actress ang na-consider sa role, but how true na tinanggihan daw nito ang beteranong aktor (na guwapo pa rin naman) dahil sa age gap nila?

 

Aktor sabay na inanakan ang 2 babae?

Sis Kaladkaren Davila, borrow ng isang expression mo, ha, dear. Juscolored!

Well, truly kaya talaga ang naikuwento sa akin na balita na ang isang aktor, bukod daw sa ilang mga anak niya sa kanyang mga dating asawa ay may ilang mga anak na naman pala siya sa dyowa niya ngayon.

Pero totoo rin kaya na apart from his current partner ay may isa pa raw siyang nakarelasyon at naanakan na dating personality? Nag-overlap pa raw ang pagbubuntis ng dalawang babae.

Although, nang i-check ko ang Instagram account ng dating personality ay waley akong nakitang baby with her sa lahat ng nai-post niyang pictures. Hindi pa raw riyan natatapos ang lahat, dahil may nagustuhan na naman daw ang aktor na isa pang magandang persona­lity na inaway raw ng present love niya nang malaman nito, kaya naman mukhang walang namuong relasyon at masuwerteng hindi ito naanakan.

Kaloka, ha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy