Una sa Balita

Gabby suportado ang pagbubuntis ni Andi

By
0 1,073
 
 
 
Nagsabi naman daw kay Gabby Eigenmann ang kanyang kapatid na si Andi Eigenmann tungkol sa pagbubuntis nito sa ikalawang pagkakataon.

 

 

Bilang Kuya, suportado naman daw niya ang anumang naging desisyon nito sa buhay dahil bukod sa may sarili na itong pag-iisip, nasa edad naman na at masaya naman daw ito sa pangyayari.

 

 

Fourteen (14) weeks preggy na si Andi sa kanyang surfer boyfriend na si Philmar Alipayo at ipinaalam na niya ito sa buong mundo.

 

 

Sa katatapos pa lamang na presscon ng Inagaw Na Bituin na kung saan isa sa cast si Gabby sa afternoon prime series na ito na magsisimula na sa February 11, nagbigay ng kanyang saloobin ang aktor.

 

 

“Matagal ko nang alam. Sa akin naman kasi, at the end of the day, ako, I’ll always support my sister kung anuman ang naging desisyon niya sa buhay.

 

“Lalo na ngayon, she’s of age. I don’t wanna meddle, ‘di na kailangan.

 

“Kung humingi ng advice sa akin, I’ll just say my piece, pero I will never dictate.

 

“There’s always a surprise factor naman, e, kapag may mga ganyan. Kasi alam mo na before, parang hindi natuto,” sabi ni Gabby.

 

 

Pero, para sa kanya, hindi naman daw sa hindi natuto ang kanyang bunsong kapatid dahil iba nga ang pakiramdam nito.

 

 

“Masaya siya, e! Ginusto niya ito, e. I cannot say na hindi siya natuto, because at the end of the day, I don’t want to consider it as a mistake.

 

“It’s a blessing.”
 
Ayon pa sa kanya, hindi na raw niya nakikilala si Philmar, pero sana one of these days ay magkaroon sila ng chance na magkausap, lalaki sa lalaki.

 

Hindi rin daw niya masasabi kung boto siya dito, pero, ayaw na rin daw niyang pakialaman si Andi dahil buhay na nga niya ito, at ang papel lang niya ay supotahan na lang ito sa anumang sitwasyong pinasok nito. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy