Una sa Balita

Gabby pag-aagawan nina Jennylyn, Shaira

0 1,003

abante-paistaran-dondon-serminoBalik rom-com si Gabby Concepcion sa kanyang pinaka­bagong serye sa GMA na “Love You Two.” At makakasama niya rito hindi lamang isa kundi dalawang naggagandahang leading ladies na sina Ultimate Star Jennylyn Mercado at Shaira Diaz.

Iikot ang kuwento sa magkapatid na sina Raffy (Jennylyn) at Sam (Shai­ra) na magkakagusto sa iisang lalaki na si Jake (Gabby). Kaya biglang magiging komplikado ang relasyon ng mag-ate dahil magiging magkaribal sila sa puso ng kanilang “the one.”

Siguradong riot at puno ng kilig ang seryeng ito dahil bukod kina Jennylyn, Shaira at Gabby, makakasama rin sina Solenn Heussaff, Sheena Halili, Jerald Napoles, Nar Cabico, Clint Bondad, Yasser Mata at Kiray Celis. Abangan ang “Love You Two” sa ilalim ng direksyon ni Irene Villamor soon on GMA!

Ricci Rivero magpapainit sa MYX

Mula sa UAAP Season ‘81, magpapakitang gilas naman ang UP Fighting Maroon cager na si Ricci Rivero bilang MYX Celebrity VJ ngayong Marso. Tiyak na magpapakilig at magpapainit pa ang basketball heartthrob na dala ang kanyang “swag style” at “sweet moves” sa paghatid ng mga pina­kabagong awitin ngayon.

Sasamahan rin ang nangungunang music channel ng alternative rock band na Teeth bilang “MYX Headliner.” Kasama sina Glenn Jacinto (vocals), Jerome Velasco (guitar), Pedz Narvaja (bass), Mike Dizon (drums), at Dok Sergio (guitar), siguradong magpapasiklab ang banda kasama ang kanilang hits na “Laklak,” “Prinsesa” at “Shooting Star.”

May handog ring musika ang rock band na St. Wolf sa pagsabak nito sa “MYX Spotlight” kasama ang mga kantang “Taguan,” “Jealousy,” and “Papara.”

Samantala, muling nagbabalik ang MYX VJ Search ngayong taon. Maaari nang mag-audition sa Marso 16, 17, 23, at 24 (12nn to 6pm). Magdala lamang ng head shot, full body photo, at 2 valid IDs na nagsasaad na nasa edad 18 hanggang 27 ang kandidato.

Sey mo Maymay?
Edward Barber aakusahang rapist ni Mary Joy

Gaganap na isang magaling na mag-aaral si Mary Joy Apostol (Julie) na pinagsamantalahan ng sariling gurong si Victor Silayan (Mr. Hontiveros) sa “Ipaglaban Mo” nga­yong Sabado (Marso 9).

Pipilitin si Julie ng kaibigang si Raisa (Noemi Oineza) sa palikuran ng mga babae at kukumbinsihin siyang kainin ang kending galing sa gu­rong si Mr. Hontiveros. Sa unti-unting panghihina at pagkahilo ni Julie, biglang darating ang kanilang guro at ipipilit ang sarili at gagahasain ang dalaga.

Tatakutin ni Mr. Hontiveros si Julie at paniniwalain siyang ang mga kaklaseng sina—Paul (Andre Garcia), na may lihim na pagtingin kay Julie, ang pilyong si Mac (Wendel Pamfilo), ang maloko at mapang-asar na si Ref (Nathan Solis), at ang sariling “crush” ni Julie ang mabuti at magi­noong si Jake (Edward Barber)—ang mga tunay na gumahasa sa kanya.

Pagkatapos ng karu­mal-dumal na insidente, susubukang kalimutan ni Julie ang mga pangyayari at ipagpapatuoy ang pag-aaral. Hindi kalaunan magkakaroon siya ng mga delusyon at mawawala sa sarili sa kanilang paaralan. Ipapa-check si Julie ng mga magulang sa medico-legal at dito nila malalaman na biktima siya ng pang-aabusong sekswal. Babalikan ni Julie ang kahindik-hindik na krimeng sumira sa kanyang katinuan at aakusahan si Mr. Hontiveros kasama ang mga kaklaseng sina Jake, Paul, Mac, at Ref.

Lalabanan ni Mr. Hontiveros ang mga alegasyon laban sa kanya at ipipilit pa na imposibleng nagahasa si Julie dahil nakapasok pa ito at nakakuha ng perpektong iskor sa kanilang English examination noong araw na sinasabing nagahasa siya. Makakasuhan si Hontiveros ngunit makakapagpiyansa kalaunan dahil sa mga tila paiba-ibang kuwento ni Julie.
Makuha kaya ni Julie ang katarungan? Tutukan sa “Ipaglaban Mo.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy