Una sa Balita

Gabby nasarapan sa ‘cookie’ ni Jennylyn

0 1,117

Sabi ni Gabby Concepcion, hindi lang daw dapat “Love You Two” ang title ng top-rating primetime series na pinagbibidahan nila ni Jennylyn Mercado sa Kapuso network.

Apat na kasi ang babae sa serye na nagkakagusto sa kanya. Bukod sa magkapatid, nandiyan din si Sheena Halili at ang bagong papasok na si Solenn Heusaff.

“Ang sarap nga ng feeling na nakasama ‘ko rito sa ‘Love You Two,’” sey niya.

Ano naman ang masasabi niya kay Jennylyn na nagsabing “dream come true” raw na makapareha siya ngayon?

“Magaling kumanta! Masarap kasama, tahimik lang. Walang ere, soft-spoken siya at saka, mapagbigay. Nagbigay siya ng mga regalo.

“May cookies siya.”

‘Yung malaking cookie­s ni Jennylyn, natikman na niya?

“Oo, yung cookie niya, natikman ko na. Nakalimutan ko na ang pangalan – pero ganu’n talaga, kapag masarap, nakakalimutan ang pangalan.

“Pero, nilagay ko pa nga sa Instagram ko,” sey niya.

Kinuwento rin ni Gabby na nang manggaling sa Dubai si Jen kamakailan lang, may pasalubong naman daw itong dates.

“Binigyan niya ko ng dates, pero iba ‘yung ka-date niya ro’n,” natawang hirit niya dahil ang kasama ni Jennylyn sa Dubai ay ang boyfriend na si Dennis Trillo.

Sa isang banda, masayang-masaya rin si Gabby dahil sa consistent nga na pagiging top-rater ng “Love You Two.” Bukod sa masaya raw siya na makagawa muli ng romcom series after ng “Ika-6 Na Utos.”

“Isa sa mga dreams ko na magkaroon ng ganyan, romcom. ‘Yung ‘Ika-6 na Utos,’ mabigat. Pero dahil dumaan na ako sa mabibigat sa buhay, parang second nature na sa akin ang mabibigat na eksena.

Eisel, Arielle, Belle angat ang ganda sa Star Magic

Sa 27th anniversary ng Star Magic, kasabay nito ang paglulunsad ng Star Circle batch 2019. 16 new hopefuls and newbies na nangangarap na ma-ging isa sa mga successful Star Circle and Star Magic artists seniors tulad nina Piolo Pascual, Angelica Panganiban, Jericho Rosales, Kathryn Bernardo, Maja Salvador at iba pa.

Promising ang 8 girls and 8 boys ng Star Circle 2019. Pansin namin na mga beauty at guwa-pings ang karamihan na dapat naman talaga for an artista. ‘Yung iba sa kanila, mga commercial and ramp models na, Star Magic workshoppers at mga nakagawa na ng movie at serye.

Sa mga babae, nag-stand out agad sina Eisel Serrano na bukod-tanging nagsabi na ang gusto ay makilalang kontrabida at nakikita ang mala-king pagkakahawig kay Janine Gutierrez. Ang morena beauty naman na si Arielle Roces ay v­isible na sa iba’t ibang TVC and reminds us naman of Julia Clarete na isa ring Star Circle alumnae.

At si Belle Mariano na bata pa lang, nakitaan na namin ng potensyal sa dating serye ng ABS-CBN na “You’re My Home” not toNmention, a graduate of “Goin’ Buli-lit.” Given the oppprtunity, puwede siyang maging next Kathryn Bernardo, huh.

Bukod sa tatlo, beauty at mukhang may ilalaban sa iba’t ibang department ang iba pang girls ng Star Circle batch 2019 tulad nina Gillian Vicencio na nakapag-debut na sa “Eerie.” Aiyana Waggoner na pang-beauty queen sa height pa lang. Si Arabella del Rosario at si Melissa Jimenez na napanood na sa iba’t ibang programa ng ABS-CBN bilang actress pero may talent din sa pagsulat ng kanta at s­inging. At si Sophie Reyes na ang mommy ay ang da-ting actress na si Rina Reyes at tila mas kabado pa sa anak during the launch. Bago sumubok sa showbiz, masasabing eksperiyensado na ito sa mundo ng theater.

Kung pagbabasehan ang history ng Star Circle mula sa original batch nito, after the launch at sa mga pro-jects na magla-land sa kanila makikita kung sino nga sa mga ito ang magtatagal, magiging next important stars ng network o hindi masyadong mabilis ang magi-ging pag-alagwa. (Rose Garcia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy