Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gabby nagandahan kay Sanya

0 157

Excited na nga si Gabby Concepcion na makatrabaho si Sanya Lopez sa upcoming Kapuso series na ‘First Yaya.’

“Marami na akong narinig na maganda tungkol sa kanya. Malaki ang fan base niya and gusto kong makarating sa kanyang fans na I’m really happy na makakasama ko ang idol ninyo. It’ll be a surprise. Hindi ko pa siya nakikila in person. Okay naman siya sa Zoom. Ang ganda naman ng energy na nakikita ko, so, I’m excited,” sabi ni Gabby.

SM food to go Banner Ad

Malapit na ring magsimula ang lock-in taping para sa First Yaya na tatagal hanggang bago mag-Pasko. Dagdag pa ni Gabby, ito raw ang unang pagkakataon na magdiriwang siya ng Pasko sa Pilipinas.

“First time ko lang mase-celebrate ang Christmas dito kasi every year umaalis kami. Pero ngayon first time naming ma-experience na dito lang sa bahay since 2008. Iba rin siya. Iba ring thrill siya kasi something new again,” saad niya. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.