Una sa Balita

GABBY, NA-‘WOW MALI’ SA SPEECH SA KOREA!

By
0 98

Hindi nagkaroon ng live broadcast ang 12th  Seoul International Drama Awards na ­ginanap noong Huwebes, September 7, sa KBS Hall dahil sa general strike ng mga ­empleyado ng KBS television station.

Ang mag-resign ang management at ­directors ng KBS dahil sa diumano’y pagsira sa ­“fairness and credibility” ng public broadcasting, ang ­panawagan ng National Union of Mediaworkers  at KBS Labor Union.

Sa kauna-unahan na pagkakataon, isang ­recorded at hindi live broadcast ng prestigious award giving body ang napanood kahapon, ­September 8, sa KBS2.

Blessing in disguise para kay Gabby Concepcion ang nangyari dahil ­nabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino sa South Korea na abangan  sa telebisyon ang pagtanggap niya ng Asian Prize Star para sa kanyang pag­ganap sa Ika-6 Na Utos, ang top rating afternoon ­drama series ng GMA 7 na may international English title na A Woman Scorned.

Noong nakaraang taon, si Dennis Trillo ang tumanggap ng Asian Prize Award para sa performance niya sa My Faithful Husband.

Hindi nagkakalayo ang mga acceptance speech nina Dennis at ­Gabby ­dahil kapwa nila pinasalamatan ang GMA 7 at parehong inialay sa mga kababayan ang kanilang mga natanggap na parangal.

Nagkamali o na-Wow Mali si Gabby sa bahagi ng speech nito na “This is really something special for me. I’d like to thank GMA 7. Thank you very much Atty. Gozon.

It’s his birthday today, this is for you,” dahil sa ­December 8 pa ang kaarawan ng Chairman at CEO ng Kapuso Network. Napaaga ng tatlong buwan ang pagbati ni Gabby kay Atty. Gozon. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy