Una sa Balita

Gabby malala ang kabadingan

By
0 2,180

Pasabog ang ginawang revelation ni Gabby Eigenmann sa totoong pagkatao ng kanyang karakter na si Vito sa Afternoon Prime soap na Contessa. Ikinagulat ng avid viewers ng serye ang episode kamakailan kung saan napanood nila si Gabby na naka­damit babae at may makeup pa!

Ito pala ang itinatagong lihim ni Vito na may relasyon sa kanyang kanang-kamay na si Winston (Phytos Ramirez). Kaloka! Kayang-kaya talaga ni Gabby na mag-shift ng kanyang character dahil mula sa pagiging all-out gay ay kaya rin niyang maging isang maangas na kontrabida!

Ang bongga nga raw at malala na talaga ang kabadingan ni Gabby, ha! Palong-palo sa mga fan ang akting niyang bading.

Paolo, Solenn movie Graded A ng CEB

Pinatunayan ng Regal Films, Inc. ang commitment nila sa paggawa ng magagandang pelikula. At katunayan, ang latest movie nilang My 2 Mommies na bida sina Paolo Ballesteros, Solenn Heussaff, at Maricel Soriano ay nakakuha ng A sa Cinema Evaluation Board (CEB).

Ang grade A na nakuha ng My 2 Mommies ay ang pinakamataas na rating na binibigay ng CEB. Mea­ning, kuha nila ang standards at criteria ng lahat, at nangangahulugan lang na highly recommended ang movie para panoorin ng lahat.

“Kudos to Eric Quizon for giving a different brand of comedy that touch your heart at the same time. Overall, My 2 Mommies is the best film to watch this Mother’s day with your family especially with your mom, sabi ng mga nakapanood ng pelikula.

Dahon, saba, yelo ni Orville benta sa mga fan

Bentang-benta muli sa mga fan ang naging paandar ng Pilipinas Got Talent finalist na si Orville Tonido noong mag-guest siya sa Gandang Gabi Vice.

Kung dati ay dahon at saba ang inilalabas niya sa kanyang gown, yelo naman ang napagdiskitahan niya habang nili-lip sync ng kanta ni Regine Velasquez na In Your Eyes.

Sa huli nga ay nakagawa pa siya ng halo-halo na ipapakain niya pa sana kay Vice Ganda.

Well, mag-isip lang siya nang mag-isip ng mga original na patawa, at siguradong magkiklik siya sa showbiz. At siyempre dapat ay matalas ang utak niya, mabilis siyang mag-isip na tulad ni Vice Ganda.

Mababaw man sa iba, witty at matalino na matatawag ang kanyang comedy act dahil matinding creativity ang kinakailangan para maisip ang katatawanang ito.

Bukod pa rito, kita rin ang bilis ng kanyang isip nang maki­pagsabayan din siya sa batuhan ng punch lines kay Vice.

Sana nga katulad ni Joven, magkaroon na rin sana siya ng pagkakataong ipakita ang kanyang galing sa komedya.