Una sa Balita

Gabby kinampihan si KC vs Sharon

0 648

Sa gitna ng tampuhan ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion, tila may pahiwatig naman ang ama ni KC na si Gabby Concepcion.

Sunod-sunod kasi ang mga post sa Instagram ng aktor na tila may kinalaman sa tampuhan ng kanyang anak at ng ina nito.

“Sometimes the best that you can do is not think, not wonder, not imagine, not obsess. Just breathe, and have faith that everything will work out for the best,” sabi ni Gabby.

“The less you respond to negative people, the more peaceful your life will become,” kasunod na post pa ni Gabby, na sa palagay ng mga fan ay ipinagtatanggol ng aktor ang anak niya.

Samantala, sa quote naman na “You’re not being selfish for wanting to be treated well. Remember that,” ina-assume naman ng mga fan na panig naman siya kay Sharon.

Marami pang mga post si Gabby na sa pakiramdam ng mga fan ay may kinalaman sa tampuhan ng mag-ina.

Feeling naman ng mga fan, mas kumakampi ang aktor sa kanyang anak dahil siyempre, hiwalay naman na sila ni Megastar at mas may connect si Gabby kay KC. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More