Una sa Balita

Gabby, KC tandem sa paglaban kay Shawie

0 829

Marami ang naguguluhan sa nangyayari ngayon sa mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion. Lalo na noong makita nilang super bonding naman si KC sa tatay niyang si Gabby Concepcion.

Gaano raw ba kalaki ang problema sa pagitan nina Sharon at KC? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkikita nang mata sa mata?

At heto nga, iniisip pa ng marami na ang pagkikita ng mag-amang Gabby at KC ay para pag-usapan ang problema ni KC kay Shawie?

Duda nila, may mga isinumbong si KC kay Gabby. Feeling nila, naghahanap ng kakampi si KC at siyempre pa ang ama niya ang lalapitan niya.

Marami rin kasi ang nagugulat sa mga Instagram post ni Gabby tungkol sa relasyon nilang mag-ama ngayon.

Kahapon nga ay nag-post pa si Gabby ng mga throwback photo nila ni KC. Na ang liit-liit pa ni KC noong mga araw na ‘yon, at ipinakikita nga kung gaano sila ka-close na dalawa, ha!

“I will always be here for you. I love you my baby. — Papa @itskcconcepcion #babygirl #papa #baby #love #priceless #bonding #fatheranddaughter #goodvibes,” ang caption ni Gabby.

May mga pahayag din si Gabby sa post na ‘yon na nagsasabing: “I love you and I will stand behind you always” – November 30, 2019.

“Sometimes all you can do is leave it in God’s hands & wait.”

Marami ngang komento na naiyak sila sa post na ‘yon ni Gabby. Na sa panahon na kailangan nga raw ni KC ng pagmamahal ng isang ama, nandiyan nga si Gabby. Na sa mga oras na naghahanap si KC ng kalinga, hindi ito ipinagdamot ni Gabby.

Parang bumabawi nga raw si Gabby kay KC, na kahit matagal silang hindi nagkasama noon, sulit at bawi naman daw sa pagmamahal na pinagsasamahan nila ngayon.

Pero siyempre, iniisip din ng marami, na ito ba ang paraan ng mag-ama, na parang tandem pa sila sa paglaban kay Sharon? ‘Yan nga ang nabubuo sa isip ng marami, dahil bakit daw kung kailan nadadalas ang pag-emote ni Sharon sa kanyang IG, ngayon din nagsasama ang mag-ama, at naglalabas pa ng mga ganitong mga larawan, na kahit anong mangyari, hindi iiwanan, o hindi pababayaan ni Gabby si KC?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More