Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gabby, KC nagluluksa

0 1,193

Nagluluksa ang mag-amang Gabby Concepcion at KC Concepcion ngayon sa pagyao ng isa nilang mahal sa buhay.

Nakaposte sa Instagram ni KC ang larawan nilang tatlo, sina Gabby, KC at kanyang lola (nanay ng aktor).

“My last living biological grandparents passed this morning. Thank you for always reminding us of our family tree and for always keeping me close to the family, mommyla. Love you and will remember you and daddy forever. #Arellano #OscarArellano #JuanArellano,” sey ni KC.

Hindi binanggit ni KC kung ano ang rason ng pagkamatay ng kanyang lola, at wala ring post si Gabby tungkol sa nangyari sa kanyang ina.

Ryza ipinasilip si ‘baby boy’

Handang-handa na si Ryza Cenon na maging ina. Excited na ngang ibinahagi ni Ryza ang ilang mga ultrasound image, video ng sanggol sa kanyang sinapupunan.

Mapapanood sa video ang paggalaw ng bata na labis na ikinatuwa ni Ryza. Lalake ang isisilang ng aktres.

“Bored ka na ba sa loob baby boy? Konting tiis nalang ha. Wag mong kainin paa mo ok? Excited na kami makita ka. Thank you for effortlessly bringing laughter and joy for us,” sey ni Ryza.

Jaclyn nagmakaawa, iniyakan sina Lilo, Ellie

Super sabik na si Jaclyn Jose sa dalawa niyang apo kay Andi Eigenmann, sina Lilo at Ellie. Pinoste ni Jaclyn sa kanyang Instagram ang mga larawan nina Ellie at Lilo na magkasama sa loob ng sasakyan.

Sa caption ay umaaray na si Jaclyn sa kawalan niya ng tsansang makasama at mayakap ang kanyang mga apo dahil sa COVID-19.

“Gusto ko na kayo makita!!! Tama na covid pls! Ang sakit na po!” saad niya.

Naglagay pa ng lumuluhang emoticon si Jaclyn para ipakita ang kalungkutan niya.

Chito Miranda nasilaw sa pera

Aminadong nasilaw sa pera ang lead vocalist, frontliner ng Parokya Ni Edgar, na si Chito Miranda. Sa pinoste nitong foggy photo sa labas ng kanilang bahay sa Tagaytay, na-appreciate ni Chito ang nararanasan nitong buhay ngayon sa ilalim ng pandemya.

Kuwento niya, mas marami siyang panahon sa kanyang pamilya at nakakatulog siya ng kumpleto kumpara noong kaliwa’t kanan ang kanilang mga gig.

Bago pa mag-COVID-19, halos gabi-gabi ang kanilang mga raket, na hindi nila matanggihan dahil sa laki ng kanilang talent fee, na kinakagat ng mga producer, promoter.

Nanghihinayang silang palagpasin ang pagkakataon dahil aminados ilang mukha silang pera.

Nagsara ang mga bar kung saan part-owner rin si Chito, at tigil din ang kanilang mga gig, raket dahil sa pandemic.

Buti na lang daw at may condo, townhouse na pinaparenta sila, na tama lang pangsuporta sa pangangailangan ng kanyang pamilya at pasuweldo sa kanilang mga staff.

Ina Feleo rumaket sa pagtitinda ng pagkain

Dinagdagan ni Ina Feleo ang pinagkakaabalahan niyang working out video nang pagbebenta niya ng Italian dishes ngayong pandemya. Dahil wala pang trabaho si Ina, bukod sa pagi-exercise sa loob ng bahay, minabuti ng aktres na gugulin din ang oras niya sa pagiging isang food seller.

Magkatuwang sa food business na ito si Ina at ang Italian fiancé niya na syang nakaisip ng ideyang ito. Nagpasampol pa si Ina sa video na sarap na sarap sa pagkain ng isang putahe.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.