Una sa Balita

Gabby gusto nang magsyuting na kasama si Sharon

0 606

Nakatsikahan ko kahapon ang talent manager na si Therese Ramos na kilalang malapit kay Gabby Concepcion. Tumutulong din noon si Therese sa ibang mga booking ni Gabby at may ilang endorsements ang aktor na siya ang nagsara.

Kinumusta ko kay Therese ang aktor.

“Sa beach house niya sa Batangas inabutan ng lockdown si Gabby. Kausap ko siya, nandoon siya,” sey ni Therese.

So, nandoon lang daw si Gabby hanggang matapos nga ang Luzon-wide enhanced quarantine dahil nga sa COVID-19.

Anyway, sabi ko kay Therese, tanungin niya ang aktor kung after ba ng pandemic na ito dahil nga sa coronavirus ay willing na itong gawin ang balik-tambalan nila ng ex-wife na si Sharon Cuneta?

So, tinanong nga ni Therese si Gabby. At sabi ni Therese; “Ang sagot ni Gabby, matagal na raw siyang naghihintay ng call slip!”

Wow, so sana nga, kapag back to normal na ang lahat, matuloy na ang comeback movie na ‘yan ng maituturing na pinakasikat na love team ng 80’s, huh!

Agree, Dondon?!

Ruffa kinabog ni Lorin sa pagluluto

Ang bongga lang ng panganay na anak ni Ruffa Gutierrez, si Lorin Gutierrez (‘yan talaga ang ginagamit niyang surname bilang screen name) dahil parang mas marunong pa siyang magluto compared to her mom, huh!

The other night, si Lorin ang nagluto ng kanilang pagkain. Truffle cream pasta ang inihanda ni Lorin na fave raw niya.

Sabi ni Ruffa sa akin, “I was gonna make the pasta, but Lorin said she wanted to do it!”

Biniro ko nga si Ruffa na baka kaya nagpilit si Lorin na ito ang magluto ay dahil baka hindi naman niya makuha ang tamang timpla at tumahimik lang ang “Love Thy Woman” actress.

Anyway, sabi ni Ruffa, napaka-yummy ng niluto ni Lorin kahit pa nga hindi sila kumpleto ng ingredients para sa ginayang recipe ng anak.

May gambas dish din sila that night, kaya sabi ko kay Ruffa, “Siguro naman ikaw na ang nagluto ng gambas?”

Hindi ang sagot ng aktres. Bale ang kasama raw nila sa bahay na si Merly ang gumawa at kumain lang siya.

Wala namang problema na baka biglang tumaba si Ruffa habang lockdown at mag-iba ang hitsura niya kapag nag-resume na ang taping nila ng afternoon series nila sa ABS-CBN dahil panay naman ang exercise niya.

Yes, ayaw ni Ruffa na matalakan siya ng nanay niyang si Annabelle Rama, kaya hindi puwedeng puro kain lang siya habang naka-lockdown. Panay rin ang exercise niya habang nasa bahay lang.

In fairness, parang pumayat na nga siya habang stay at home lang, huh!

Ang bongga!

Ivan Dorschner ayaw nang mag-artista

Ang tagal na ni Ivan Dorschner sa lugar nila sa Los Angeles, California.

Nang minsang naka-online siya, nag-DM (direct message) ako sa kanya.

Sumagot naman kaagad ang binata.

“Heya! How’s the experience under the lockdown?” bati sa akin ni Ivan, kaya nilinaw ko na like him, nasa L.A. rin ako.

So, kumusta siya ngayon?

“Nice! I’m happy and healthy with my family,” sabi niya.

Tanong ko pa kay Ivan, “You’re not coming back to the Philippines anymore?” na sinagot naman niya ng, “Not as an industry actor.”

Oh, no! Meaning ba ay hindi na mag-aartista si Ivan kahit na bumalik pa siya ng Philippines?

Well…

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More