Una sa Balita

Gabby Espinas, Paolo Taha pinuri ni coach Pido Jarencio

0 1,698

Ginulat ni GlobalPort coach Pido Jarencio ang mga mga sportswriter sa post game interview matapos na tambakan ng Batang Pier ang Columbian Dyip 133-115 noong Biyernes sa PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Pinuri ng husto ni Jarencio ang mga bago niyang mga player na sina Gabby Espinas at Paolo Taha na kung tutuusin ay tila wala naman masyadong naitulong sa kanilang malaking panalo.

“Si Taha yung kumpiyansa darating yan. Si Espinas naman masyadong matalinong maglaro kasi beterano na,” sabi ni Jarencio sa post game interview.

Isang araw pa lamang nakapag-practice sa GlobalPort, isinabak na kaagad ni Jarencio ang dalawa sa matinding bakbakan.

Si Espinas ay tumagal sa loob ng court ng 19:45 minuto samantalang si Taha ay 24:14 minuto.

Matapos na malaman ang ginawang papuri, nagpasalamat si Espinas kay Jarencio sa tiwalang ibinigay sa kanya.

“Salamat kay coach dahil may tiwala siya sa akin. Yung winning attitude lang na galing ako sa team na la­ging panalo. Yung lang siguro ang maibibigay ko. Hindi kami nagpa-practice para matalo at hindi kami nagpa-practice para matalo kundi para manalo,” sabi ni Espinas.

Nag-acquire ni Ja­rencio si Espinas sa San Miguel kapalit ni Kelly Nabong sa pamamagitan ng trade ilang araw pa lamang ang nakalilipas.

Si Taha naman ay galing sa Barangay Ginebra kapalit ni Julian Sargent.

“Malaking bagay yun natutunan ko sa Ginebra dahil championship team kami. Playing under coach Tim Cone ang dami kong natutunan. Naging aggressive ako sa Ginebra at kung ano yung tamang mindset,’ sabi ni Taha.

Sinabi ni Espinas na tutulong siya sa bago niyang team sa abot ng kanyang makakaya para makarating ang GlobalPort sa playoff.

Para naman kay Taha, ibibigay niya ang lahat para maka­tulong sa GlobalPort at kay Jarencio.