Una sa Balita

Gabbi, Ruru dedmahan sa Araw ng mga Puso

By
0 3,402

Araw ng mga Puso kahapon. Sa showbiz, alam naman natin kung sino-sino ang magkakarelasyon at sigurado ako na something special ang inihanda nila sa special day na ‘yon.

Feb. 13 pa lang ay abala na sa pagbibigay-ligaya si Ruru Madrid sa mga nanalo sa special promo ng Grab. Siya kasi ang napiling mag-entertain sa mga mananalo sa promo ng Grab kung saan pinuntahan ni Ruru ang mga customers na nanalo at sinorpresa niya ang 6 winners sa pagbibigay ng bulaklak at kinantahan pa sila, huh.

Kaya buong maghapon nag-iikot si Ruru sa winners noong bisperas pa lang ng Araw ng mga Puso at inabot na siya ng gabi bago natapos ang mga sorpresang pagbisita sa kanila.

Dahil very much single si Ruru ay wala siyang binigyan ng mga bulaklak sa Araw ng mga Puso maliban sa kanyang ina at dalawang kapatid na babae. Sa araw na iyon ay busy siya sa taping ng Sherlock Jr. at malamang binigyan niya ng mga flowers ang mga babaeng artista at production staff ng nasabing programa.

Pero sure ako na hindi sila nag-date ni Gabbi. Hindi nga kasi sila magdyowa.

Talakan nina Megan, Katrina nakakaadik

Bongga ang The Stepdaughters na bagong afternoon serye ng GMA na nag-pilot noong Lunes ng hapon after Ika-6 Na Utos. May mga pasabog agad at mahu-hook up ka agad sa mga magagandang eksena lalo na at pasok agad ang iringan nina Megan Young at Katrina Halili.

Mula nu’ng Lunes ay agad namin itong sinusubaybayan kahit nasa ­labas kami ng bahay. ‘Yung phone namin ay may TV App kaya hindi namin ito nami-miss gaya ng Ika-6 Na Utos. Ganoon din ang Sherlock Jr., Kambal, Karibal at TOTGA. Kapag inumpisahan mo ang teleserye nila ay mahu-hook ka agad. Kaya binabati namin ang mga nasa likod ng mga prog­ramang ito.

Sa Feb. 26 naman ay papasok na ang Hindi Ko Kayang Iwan na papalit sa Haplos na last two weeks na lang. Isang advocacy serye ito na tatalakayin ang AIDS at HIV. Maselan ito kaya may mga consultant o adviser silang kinuha para gabayan ang production kung papaano i-portray ang mga role ng artista kahit mga de-kalibre sila.

Kailangang gampanan nila nang buong husay ang role na ibinigay sa kanila na hindi makakasagasa ng mga kababayan natin na may karamdamang ganito. Ang alam namin ay ipapakita kung papaano tratuhin nang tama ang mga may karamdaman na ganito at hindi dapat pandirihan o iwasan.

Sina Mike Tan, Yasmien Kurdi at Jackie Rice ang lead stars dito na sinusuportahan ng premyadong aktres at direktor na si Ms. Gina Alajar. Kaya kaabang-abang din ito.