Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gabbi, Khalil puno ng misteryo ang serye

0 72

Teaser pa lang ay naiintriga na ang mga viewer sa upcoming Kapuso serye na “Love You Stranger” nina Gabbi Garcia, Khalil Ramos.

Napanood nga ang mala-shadow animation na atake na nagpapakita ng tila dark theme ng serye. Sumunod ang pasilip sa misteryo ng “Lilom” ng Sta. Castela kung saan makikita si Andrea del Rosario na tila hinila ng aninong kinatatakutan niya.

Paano nga ba iikot ang kwento nina LJ (Gabbi) at Ben (Khalil) na pagtatapuin ng tadhana dahil sa misteryosong nilalang na tinatawag na Lilom?

“We’re really excited to share with you ang kuwento na binuo ng Public Affairs na napakaganda. Maraming matututunan sa napakalaman na script. Mahal na mahal namin ni Gab ‘yung materyales,” sabi ni Khalil.

“Hindi biro ‘yung two months, talagang na-test ‘yung patience namin and ‘yung love namin for our craft, which is, I think, very, very successful naman for the both of us,” saad naman ni Gabbi.

Dapat ding abangan sa serye ang mga charater nina Gil Cuerva, Kim de Leon, Lexi Angeles, Tonton Gutierrez, Carmi Martin, Maey Bautista, Lui Manansala, Bodji Pascua, Dindo Arroyo, Ces Quesada, Soliman Cruz, Nor Domingo, Alex Medina, at Angeli Sanoy. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.