Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gabbi Garcia pang-Miss Int’l ang alindog

0 223

Gusto ngang isabak ng mga mahihilig sa beauty pageant si Gabbi Garcia, ha! Lalo na nitong nag-post siya sa Instagram ng sexy photo niya habang rumarampa, nagbabakasyon sa Bohol.

Ang seksi nga naman ni Gabbi, ang husay mag-emote, at ang ganda nga raw ng mukha. Mga katangiang bagay na bagay at saktong-sakto para sa mga beauty queen.

Anyway, pasok naman ang age at height ni Gabbi. Sa edad niya ngayon na 22 ay 5’ 7” na siya, kasing-height ni Pia Wurtzbach, ang Miss Universe 2015.

At yes, tulad ni Pia, mahusay ring sumagot si Gabbi, at edukada nga ito.

Puwedeng-puwede ngang isali si Gabbi sa Miss World, tulad ni Megan Young. At puwedeng-puwede rin sa Miss Universe na tulad ni Pia. Or sa Miss International na tulad ni Kylie Verzosa.

Ang kailangan na lang ay maghasa talaga si Gabbi sa pagrampa na naka-swimsuit, at naka-gown. Magkaiba nga kasi ang rampa na naka-bikini at naka-gown.

Siyempre, daming inggit kay Khalil Ramos, na habang tumatagal nga, parang bulaklak na namumukadkad ang kagandahan, kaseksihan ng dyowa niya, ha! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.