Una sa Balita

Gabbi Garcia, lakwatserang sirena!

0 3

Ngayong gabi sa Daig Kayo Ng Lola ko, nakaharap na ni Lola Goreng si Ato Engkanto.

At sinabi nga sa kanya na puwede na siyang umuwi sa mundo nila.

Na-excite ang mga bata na makabalik na sila nina Lola Goreng sa kaharian.

Pero, kinabukasan, malungkot na ibinalita ni Moira na ililipat siya ng teacher nila sa ibang section. Ayaw niyang mahiwalay sa mga kaibigan niya. Kaya ayaw talaga niyang lumipat.

At dahil doon, ikukuwento ni Lola Goreng ang tungkol kay Mariel, ang lakwatserang sirena. 

Si Mariel ay isang dalagitang sirena na gustong makapunta sa lupa para magawa niya ang mga bagay na nagagawa ng mga tao. Pero, sirena nga siya, at wala siyang paa, kundi buntot.

Magmumukmok si Mariel. Mangangarap si Mariel ng mga gagawin niya kung sakaling makapunta siya sa mundo ng mga tao.

Aalukin siya ni Britney ng potion na kapag ininom niya ay magkakaroon siya ng mga paa. Pero ang kapalit ay ang maganda niyang buhok.

Iinumin ni Mariel ang potion at magkakaroon siya ng paa. Makakara­ting siya sa dalampasigan ng bayan na lagi nilang tinatanaw ni Bubbles.  Mag-a-adjust si Mariel sa bagong paa.

Mamamangha siya sa makikita niya. Gagawin niya ang mga bagay na gusto niyang gawin noon sirena pa lang siya – takbo, bike, talon, etc.  Hanggang sa yayain siya ng isang grupo na dancers na maki-practice sa kanila.

Sa ilalim ng dagat, mag-aalala ang nanay ni Mariel.  Malalaman nito ang ginawa ng anak, at mabilis na lalangoy si Marissa para sagipin ang anak.

Sa lupa, mag-i-expire na ang potion, at babalik ang buntot niya. Makikita iyon ng mga tao at magkakagulo. Maraming matatakot sa kanya, may magsasabi pa na malas siya at dapat sa zoo dalhin.

Darating ang mga syokoy at lalong magugulat ang tao. At ibabalik si Mariel sa dagat.
Pagdating sa tubig, mangangako na si Mariel na hindi na aalis muli ng mundo nila.

Tuwang-tuwa ang mga bata sa kuwento at may mapupulot na aral mula rito. Isa na rito ay hindi tama na maglihim at magrebelde sa pamilya.

Samantala, malungkot na sasabihin ni Ato na hindi pwedeng sumama ang tatlong bata dahil si Lola Goreng lang ang pinapayagan na makauwi sa kaharian.  Gulat ang lahat sa sinabi ni Ato.  At noon malulungkot si Lola Goreng.

Julie Anne sa I-Bilib!

Siguradong marami na naman ang matutuwa at matututo sa I-Bilib ngayong umaga.

Marami nga kasing pasa­bog sina Chris Tiu, James & Roadfill ng Moymoy Palaboy, at kasama pa si Julie Anne San Jose, ha!

Masasagot ang mga tanong ngayon kung kaya bang pagalawin ng isang billiard ball ang 500 billiard balls na nakapila sa isang 30-meter line?

Aalamin ‘yan ng mga taga-Discovery Science sa mega-experiment na LET’S PLAY LONG BILLIARDS!

Puwede bang gumawa ng mga shapes gamit ang ilaw, usok at salamin? Abangan naman sa LASER SMOKE & MIRRORS EXPERIMENT!

Tutunog kaya ang gitarang gawa sa cardboard? Tutukan sa CARDBOARD GUITAR EXPERIMENT!

Ano ang ka­yang tamaan ng slingshot sa iba’t ibang layo? ‘Yan ang aalamin nina James at Roadfill sa BILIBABOL TIRADOR CHALENGE!

Isang POPSICLE STICK PUZZLE naman ang hatid ni Chris para sa HULING HIRIT!

Sabi nga, masayang matuto ‘pag kasama ang barkada sa inyong paboritong Sunday morning tamba­yan, I-BILIB!