Una sa Balita

Fun-filled trip

0 202

IT’S another beautiful Wednesday, folks at isi-share ko lang ang naging Japan trip ko together with my Mom and best friend, Hannah Rioteta for a week’s vacation.

Isa itong long-overdue vacation, planned many months ago. On-­going pa that time ang “Starstuck 7” at katatapos lang ng series namin nina ­Manolo (Pedrosa) at Therese (Malvar) na “Inagaw Na ­Bituin.”

It’s has been a dream to tra­vel. Dati, plinano na­ming umikot sa mga local destination natin. Pero dahil nga sa ­hectic schedules at kabi-kabilang showbiz commitments, ­hindi matuluy-tuloy ito.

Nang makaluwag-luwag sa ­schedule at payagan ako ng aking home network— ang GMA at GMA ­Artist Center (GMAAC) at mabigyan ng travel visa ng Japan— to take a break, bigla kaming nagdesisyong lumarga.

Timely din naman kaya medyo ­mahaba-habang bakasyon din ito.

Itong Japan trip namin is purely ­vacation, fun-filled trip lang. No work, walang pressure rin.

Unlike nu’ng first ­out-of-the-country trip ko during the 1st Asian Academy Creative Awards (AACA) in Singapore, medyo bitin ‘yung pamamasyal namin.

Related Posts

Purposely, andu’n kami to ­attend the awards night dahil tumanggap ako ng no­mination for Best Actress in a Suppor­ting Role para sa pagganap ko sa “Kambal, Kari­bal,” ang biggest break ko bilang Kapuso artist.

And then, luckily, ­nakasama ako sa grupo ng “Studio 7” cast para sa “MusiKalye Sa ­Brooklyn” sa New York, USA. Ang saya ko sa ­unang trip ko sa Amerika.

Besides work, nakapamasyal rin ­naman ako with my Mom and some ­fellow artists ng “Studio 7.” It was brief though, fulfilled naman ako. At ­masayang-masaya ako having been in the US for the first time.

Itong biyahe namin sa Japan is only my third out-of-the-country trip. Pero sobrang nag-enjoy ako to the max.

Up next Wednesday, ang mga lugar na pinuntahan namin sa Japan. Abang-abang my dear friends and sunflowers.

Ciao for now! Diyos mabalos ­saindo gabos. God bless you all!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy