Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Full military honor ginawad kay dating Pangulong Aquino

0 214

Ginawaran ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng full military honors ang yumaong si dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.

Pagdating ng abo ni Aquino ng alas-12:40 ng tanghali kahapon ay sinalubong ito ni AFP Chief-of-Staff General Cirilito Sobejana at Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar.

Ibinigay ng kapatid ni PNoy na si Ballsy Aquino-Cruz ang urn sa honor guards.

Sinimulan ang full military honors ng alas-12:50 ng tanghali.

Tinugtog naman ang national anthem ng isang banda habang isinasagawa ang 21 gun salute para sa dating commander-in-chief.

Inilagay naman ang bandila ng Pilipinas sa iba­baw ng urn ni Aquino.

Dinala ang urn ng mga honor guard sa funeral carriage na puno ng dilaw na bulaklak.

Isang funeral march ang isinagawa ng mga military official para sa dating pinong ehekutibo.

Nagbagsaka naman ng mga dilaw na bulaklak ng Philippine Air Force bago simulan ang funeral march. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.