Una sa Balita

Full medical exam sa mga binakunahan ng Dengvaxia sa CALABARZON, isinusulong

By
0 1,165

Isusulong ni Department of Health - CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) Regional Director Eduardo C. Janairo ang pagsasailalim sa full medical examination ng lahat ng mga bata na naturukan ng dengvaxia vaccine bago sila magsipasok sa pagbubukas ng klase sa Hunyo.

Inihayag ito ni Janairo sa naganap na Joint-Partnership Meeting sa pagitan ng mga magulang lider ng Dengue Vaccine Individuals(DVIs) mula sa National Capital Region (NCR), CALABARZON at Central Luzon kamakailan.

“My request to Health Secretary Duque is to immedia­tely provide these children medical exa­mination before entering new grade or transferring to a new school. This should be the first thing that the department has done, provided them immediate physical examination,” ayon kay Jaianiro.

Ito umano ay para malaman kung nagkaroon ng kumplikasyon at reactions sa katawan ng mga bata ang ibinakunang dengvaxia at para mabigyan rin sila ng kaukulang atensiyong medikal.

“That’s why if a mother of a DVI requested for an x-ray, we need to give it right away. Just because a doctor said it is not needed, it doesn’t mean that we will not send our children for an x-ray. As parents, it is innate in us to find out for ourselves what is our children’s health status and ensure his/her safety,” dagdag pa ni Janairo.

Sa mga nanganga­ilangan naman ng special treatment tulad ng biopsy, ieendorso nila ito sa mga concerned unit ng departamento para magawan ng kaukulang aksiyon.

Sinabi pa ni Janairo na mayroon siyang panukala para sa pagsasagawa ng comparative study ng mga DVIs at non-vaccinees na namatay sa dengue.

Sa Region 3 ay may kabuuang 205,449 ang nabakunahan ng dengvaxia habang sa NCR ay 334,665.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy