Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Frozen shrimp container nakitaan ng COVID sa China

0 494

Natuklasan ng Chinese government na nagkaroon ng coronavirus ang mga package at container wall ng frozen shrimp na imported mula sa Ecuador.

Sa mga ulat, sinabi ni General Administration of Customs (GAC) head of the import and export food safety bureau Bi Kexin, na noong Hulyo 3 nalaman ang kontaminasyon sa imported product. Gayunman sa pagsusuri pa nagnegatibo naman sa virus ang mismong hipon at loob ng pakete.

Sinuspende rin ng GAC ang pag-import sa tatlong kompanya sa Ecuador dahil sa banta ng COVID-19. Kabilang sa mga ito ang Industrial Pesquera Santa Priscila S.A., Empacreci S.A., at Empacadora Del Pacifico Sociedad Anonima Edpacif S.A.

Kasunog ng pag-iingat ng China sa banta ng pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng imported food, nagsagawa ito ng hakbang para matukoly ang virus sa mga produktong nanggagaling sa ibang bansa. Nasa 23 na overseas meat companies na umano ang kanilang sinuspinde dahil dito.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.