Una sa Balita

Frontliner na brgy kagawad, utas sa pananambang

0 358

Nasawi ang isang babaeng barangay kagawad matapos na ito ay tambangan ng mga hindi nakilalang salarin habang papauwi galing sa duty sa kanilang barangay sa Biñan City, Laguna Linggo ng madaling araw.

Idineklarang dead on arrival sa hospital ang biktimang si Melody Quijano, 39-anyos, residente at kagawad ng Barangay, Dela Paz matapos magtamo ng mga tama sa katawan.

Ayon sa Biñan police, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima at pauwi lang umano saglit sa kanyang bahay nang tambangan ito ng mga suspek na nag-abang sa tapat ng hump sa kalsadang dadaanan ng biktima dakong ala 1:55 ng madaling araw.

Mabilis na tumakas ang suspek patungo sa madilim na eskinita matapos ang pamamaril.

Ayon kay PltCol. Danilo Mendoza, hepe ng Biñan police, tatlong anggulo ang kanilang tinitingnan sa krimen.

Una ang may kinalaman sa pautang ng biktima, ikalawa ang trabaho nito bilang frontliner ng barangay at ikatlo ang anggulong may kinalaman sa iligal na droga.

Ayon sa hepe, aktibong kagawad ang biktima sa kanyang baranggay at mahigpit na tumutulong sa kampanya laban sa iligal na droga. (Ronilo Dagos)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More