Una sa Balita

Friendship goals: Angel, Anne, Angelica, Bea ‘di naghihilahan pababa

0 443

“Friendship goals” kung ilarawan ng mga fan ang pagkakaibigan ng mga Kapamilya star na sina Bea Alonzo, Angel Locsin, Angelica Panganiban at Anne Curtis.

Marami sa mga fan ang tila nakaramdam ng women empowerment, nang makita ang litrato na magkakasamang nag-i-enjoy ang mga naturang aktres.

Makikita sa litrato na talagang magkakadikit sila na halos magkakayakap na habang nagtatawanan which is sumasalamin nga sa masaya at tunay na pagkakaibigan ng apat na personalidad.

Masarap tingnan sa mata, ‘ika nga ng karamihan sa mga fan, ang kapwa pag-angat nila sa bawat isa.

Lalo nang makita ang mga comment nila sa bawat isa na talagang dama ang pagmamahalan nila bilang magkakaibigan.

Pero may isang fan ang agaw-eksenang nagtanong: “10 years from now, maging ganito din kaya ka-close sina Liza, Kathryn at Nadine?”

Well, ibig sabihin siguro ng mga fan ay ang batch nina Kathryn ang nakikitang bagong mukha ng barkadahan nina Angel sa henerasyon ngayon.

Mukhang ang sarap tuloy sumilip sa time machine kung meron lang. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy