Una sa Balita

Friday the 13th: 6 patay, 5 sugatan sa karambola

0 424

NASAWI ang anim katao habang lima ang sugatan matapos salpukin ng SUV ang kinakarerang pick-up truck at sinalpok ang kasabayang tricycle at motorsiklo sa kahabaan ng highway ng Purok 9, Barangay Poblacion, Tacurong City, Sultan Kudarat sa Friday the 13th na pinaniniwalaang malas na araw.

Batay sa report, naganap ang aksidente alas-kuwatro ng madaling-araw sa nasabing kalsada, kung saan nakitang tila nag-uunahan ang SUV at pick-up truck at nahagip nila ang ilang kasabayang tricycle at motorsiklo.

Unang binangga umano ng SUV ang isang tricycle at nadamay ang kasunod nitong isa pang tricycle na may sakay na mga bata, motorsiklo at pick-up na agarang ikinasawi ng anim na katao na kung saan apat dito ay mga bata, habang lima pa ang sugatan sa aksidenteng kinasangkutan ng apat na sasakyan.

Kabilang sa mga nasawi ay isang lalaki, ginang, sanggol at tatlong paslit na may edad anim hanggang 10.

Kasalukuyang nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa aksidente. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More