Una sa Balita

French official na dawit sa lobster scandal tumangging magresign

0 272

ISANG cabinet minis­ter ng France ang tumangging magbitiw sa puwesto sa kabila ng kritisismo na ginamit nito ang pondo ng gobyerno sa marangyang pamumuhay tulad ng piging ng mamahaling lobster.

Ayon sa investigative website Mediapart, nagpa-dinner umano si Environment Minister Francois de Rugy sa kanyang mga kaibigan habang naninilbihan pa itong parliament speaker.

Nanindigan si Rugy na hindi siya magbibigay sa puwesto at maging si Prime Minister Edouard Philippe ay nagsabi rin umano na hindi niya kailangang magbitiw.

Ang marangyang pamumuhay ni Rugy ang lalong nagpainit sa mga Pranses na ilang linggo nang nagsasagawa ng kilos protesta tungkol sa ‘economic inequality’ at pagiging manhid ng mga lider sa kalagayan ng mga ordinaryong mamamayan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy