Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Freeman, Dodgers pinulbos Rockies

0 75

KUMONEKTA ng tig-isang homer sina Freddie Freeman, Will Smith at Cody Bellinger at kinubabawan ng Los Angeles Dodgers ang mahigpit na karibal na Colorado Rockies 8-4 nitong Miyerkoles.

Nagdagdag pa ng two-run double si Trea Turner at naitawid ni starting pitcher Julio Urias ang panalo.

Pumukol si Urias hanggang sixth inning.

Nangungulelat ang Rockies ngayong season pero 4-1 sila laban sa National League West leader Dodgers.

Inalat pa ang Colorado nang abutin ng injury sa kanyang throwing hand si starter German Marquez. Nilabas si Marquez habang may one out sa fourth matapos mag-regalo ng five runs at five hits kabilang ang 446-foot solo drive ni Freeman sa first.

Nilista ni Smith ang 12th homer niya nang matsambahan ang bato ni Jhoulys Chacin sa fifth tungo sa 7-1. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.