Una sa Balita

Freelance worker suportahan

By
0 234

Ayon po sa “Freelancing in America 2018 Survey”, 93% ng mga freelan­cer ay nagsabing mas nagagamit nila ang kanilang skills training kumpara sa kanilang college degree.

Freelancer o independent contractor po ang tawag sa mga indibiduwal na nagbibigay ng serbisyo o trabaho kapalit ng napagkasunduang halaga.

Patunay po ang survey na hindi lang college diploma ang daan para makakuha ng trabaho bagkus malaking bagay ang skills training tulad ng mga kursong inaalok ng TESDA.

Sinabi po ng “Upwork”, ang pinakamala­king freelancing website sa buong mundo, na ang Top 20 in-demand jobs ngayon ay hindi na nangangailangan ng college degree tulad ng mga trabahong inaalok ng mga higanteng tech-companies na Apple, IBM at Google.

Kaya nauuso po ang mga non-traditional education o mga certificate course lalo na po sa larangan ng Information Technology (IT) dahil mas madali itong makasabay sa mabilis na pagbabago ng trabaho at pag-usbong ng mga bagong industriya.

Kuwento po ng isang kababayan natin na hindi na niya muna ipinagpatuloy ang kanyang engineering course pagkatapos makakuha ng CISCO certification na nagbigay oportunidad sa kanyang makapasok sa isang IT company na mas malaki pa ang suweldo sa isang engineering graduate.

Hinihikayat po natin ang ating mga kababa­yan na mag-register sa mga online course tulad ng Free TESDA Online Program at iba pang mga certificate course at subukang mag-freelance kung nahihirapang makapasok sa regular na trabaho sa opisina o kompanya.

Kaya dapat pong paigtingin ng CHED at TESDA ang pagpapatupad ng “Open Distance Learning Act” para patuloy na matuto ang ating mga kababayan nang hindi kailangang pumasok sa mga eskuwelahan.

Maisasabatas na rin po ang panukala nating “Tulong-Trabaho Act” na magbibigay ng dagdag na pondo para sa skills training at upgrading sa tulong ng mga web-based training.

Magandang pagkakataon po ito para sa 1.5 milyong Pilipinong freelancer tulad ng mga accountant, English tutor, web design, customer service at e-marketing.

Titiyakin po ng panukalang batas na magkakaroon ng standard na kontrata para sa mga freelancer, tamang bayad sa kanilang trababo o serbisyo, health insu­rance at kaukulang parusa o multa kung may pang-aabuso o paglabag sa kanilang karapatan.

Job Fair Schedule:
PESO Negros Occidental Job Fair – The District Ayala Northpoint – Talisay City, Negros Occidental – November 5
LGU Sta Maria Job Fair – Municipal Gymnasium, Sta. Maria, Bulacan – Nobyembre 6
San Fernando City Job Fair – CSI Mall, Biday, San Fernando City, La Union – Nobyembre 7